Home NATIONWIDE Infra damage sa Mindanao floods, landslide pumalo sa P738M – NDRRMC

Infra damage sa Mindanao floods, landslide pumalo sa P738M – NDRRMC

MANILA, Philippines- Pumalo sa P738.6 milyong halaga ang pinsala sa imprastraktura dahil sa malakas na buhos ng ulan at landslides sa Mindanao.

Base sa puinakahuling situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), napanatili ng Caraga ang P473 milyong halaga ng pinsala sa 32 infrastructure facilities. Sumunod naman ang Davao Region na may P265.6 million kung saan may 134 infrastructure facilities ang apektado.

May kabuuang 1,344 indibidwal naman ang napinsala sa Northern Mindanao, Davao Region at Caraga mula Enero 28 hanggang Pebrero 3 dahil sa malakas na buhos ng ulan na dala ng Northeast Monsoon (Amihan) at walang tigil na nalusaw nang low pressure area.

Sa mga kabahayan, 786 ang partially damaged, habang 558 naman ang totally damaged.

“Ninety six roads and 16 bridges in these three regions also remained impassable as of Sunday,” ayon sa NDRRMC.

Naapektuhan din ng pagbaha at landslides ang 1,389,073 indibidwal o 415,494 pamilya sa 818 barangay sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Region.

Mayroong namang 50,000 katao ang nananatili sa evacuation centers, habang mahigit sa 300,000 ang mas pinili na manuluyan sa temporary shelters sa ibang lugar.

Sa Maco, Davao de Oro, sinabi ng provincial government na Amy 35 labi ng katawan ng nasawi ang narekober dahil sa landslide, habang 77 katao naman ang nananatiling nawawala.

“Yung Ground Zero may population ‘yan kasi isang barangay ‘yan… may 55 to 60 houses na natabunan ng lupa. We are accounting the residents, members of the community na nandoon at miyembro o empleyado ng kumpanya na sumakay ng buses at saka mga transient na pumasok nu’ng gabing ‘yun,” ayon kay Davao de Oro 2nd District Rep. Ruwel Peter Gonzaga sabay nagpapatuloy ang search and rescue operations sa landslide site.

“So far, mayroong tatlong survivors. And as to this date, may na-retrieve na 35 cadavers or body counts and may dine-declare na missing 70-plus pa rin,” dagdag na wika nito. Kris Jose