Home ENTERTAINMENT Carla, ipinagdarasal si Bea!

Carla, ipinagdarasal si Bea!

Manila, Philippines – There hovers mutual concern between Bea Alonzo and Carla Abellana who’re both cast in GMA’s Widows’ War.

May slight similarity sa kaso nilang dalawa as far as their respective personal lives are concerned.

Si Carla ay nahiwalay kay Tom Rodriguez a few months after they got married.

Samantala, si Bea nama’y nahiwalay kay Dominic Roque sa gitna pa mandin ng kanilang wedding preparations.

At a recent event, naitanong ng press si Carla kung ano ang kanyang take on the sudden Bea-Dom breakup.

Carla was enough to say na hindi raw siya ang tipo na aalamin what went wrong.

Aniya: “It’s a very sensitive and private matter. It’s her personal life!”

Bumilib naman kay Carla ang mga nakarinig ng tinuran niya.

Unless asked for her opinion nga naman, that would be the only time na magsasalita siya.

Pero ang mas nakakabilib ay ang pahabol na linya ni Carla.

“I’m praying for her,” aniya na nakarating sa kaalaman ni Bea.

Thankful naman si Bea sa tinuran ng kanyang co-star.

Not only is Carla praying for Bea’s healing, kundi marami pang kapwa celebrities who empathize in her situation.

As seemingly opposed to Dominic na tila “ikinatutuwa” pa ng ilan ang kanyang sinapit bilang “the groom that never will be.”

Ouch! Ronnie Carrasco III

Previous articleKaltas-presyo sa produktong petrolyo kasado sa Martes
Next articleInfra damage sa Mindanao floods, landslide pumalo sa P738M – NDRRMC