Home HOME BANNER STORY Kaltas-presyo sa produktong petrolyo kasado sa Martes

Kaltas-presyo sa produktong petrolyo kasado sa Martes

MANILA, Philippines- Matapos ang sunod-sunod na linggong oil price hike, magpapatupad naman ng barya-baryang bawas-presyo sa kada litro ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.60 sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kada litro ng diesel, at P0.40 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price rollback din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang ipapatupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes

Previous article$14B investments mula sa foreign trips ni PBBM naisakatuparan na – DTI
Next articleCarla, ipinagdarasal si Bea!