Home METRO Voters educ sa mga katutubo, isinagawa sa Talaingod, Davao del Norte –...

Voters educ sa mga katutubo, isinagawa sa Talaingod, Davao del Norte – Comelec

250
0

DAVAO DEL NORTE, Philippines – Nagsagawa ng voters education program sa mga katutubo sa Talaingod, Davao del Norte ang Commission on Elections (Comelec).

Iginiit ni Comelec Chairman George Garcia na siyang nanguna sa programa na pantay ang karapatan at bigat ng boto ng kada Pilipino.

Ayon kay Garcia, ang boto ng isang katutubo ay pantay lamang, may pinag-aralan, mayaman, mahirap, hindi man nakapagtapos o nasa kapatagan.

Dagdag pa, sagrado ang bawat boto ng mga Pilipino na may kapangyarihan na makapag halal ng isang pinuno, at hindi katulad sa ibang bansa na ang pagpili ng leader base sa pangalan o pinagmulang pamilya.

Panawagan ni Garcia sa mga botante lalo na sa mga kabataan na piliin ang tamang leader upang hindi magsisi dahil matagal ang panahon sa pag-aantay bago mapalitan ang leader.

Ang paghubog sa mga batang pinuno tulad sa sanguininang kabataan ang magiging basehan ng maasang leader sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here