Home HOME BANNER STORY P71.3-M isinaoli ni Alcantara sa DOJ

P71.3-M isinaoli ni Alcantara sa DOJ

220
0

MANILA, Philippines – Nagbalik pa ng milyun-milyong pisong cash sa Department of Justice (DOJ) si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara bilang bahagi ng restitution o pagsasauli ng pera sa kaban ng bayan.

Ayon kay Justice Secretary Frederick Vida na P71.3 milyon ang ibinalik ni Alcantara sa nagpapatuloy na presentasyon.

Agad namang dadalhin ang pera sa Land Bank of the Philippines para masuri ang mga ito.

Matapos niyan ay iti-turn over naman ito sa Bureau of Treasury para duon pansamantalang ikustodiya ang naturang halaga na nagmula umano sa kickback sa mga flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here