Home NATIONWIDE VP Sara, 2 pa itinalagang PH caretaker ni PBBM sa pag-alis ng...

VP Sara, 2 pa itinalagang PH caretaker ni PBBM sa pag-alis ng bansa

MANILA, Philippines – Itinalaga si Vice President Sara Duterte na maging caretaker ng bansa habang si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. ay nasa Estados Unidos para sa trilateral summit.

Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil nitong Miyerkules na ang Bise Presidente ay tutulungan nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.

Sinabi rin ni Bersamin sa isang ulat na laging may tatlong caretakers kapag nasa ibang bansa ang Pangulo.

Sa mga nakaraang paglalakbay ng Pangulo sa ibang bansa, inihayag lamang ng PCO na ang Bise Presidente ang magiging officer-in-charge. RNT