Home OPINION DAMI KITA SA TURISTA

DAMI KITA SA TURISTA

IBA’T ibang banyaga ang pumapasyal dito sa ating bansa bilang turista na gumagala lamang para mamangha talaga sa napapabalitang likas na yaman natin sa magagandang lugar.

Pero may iba ring turista, na tila sumosobra na. Nakapagtatagal sila rito at kadalasan sa bandang huli ay residente na.

Sari-sari ring Filipino ang kumikita sa ganitong paraan. Aalalayan ang mga turistang ito para hindi mahuli. Hindi ko naman tinutumbok ang Bureau of Immigration pero dapat din silang bantayan, sa palagay ko lang.

Ang tinutumbok ko rito ay ang mga “Tsekwa” na naman na lagi na lamang tayo ay iniisahan o’ sabihin nating tayo’y ginugulangan. Tulad na lang halimbawa itong pamimigay ng Philippine Retirement Authority  ng tinatawag na special resident retiree visa.

“Chinese mafia” ang pihadong nasa likuran nito at ilan ng mga Tsekwa ang nahuling may Philippine passport na SRRV pa ang kategorya. Nakaalarma pa rito, sinasabing retirado ang mga Tsekwang ito, gayong ang mga nahuhuli ay edad 35 hanggang 40 anyos. Paanong nasabing retirado ang mga eto, eh kababata at kalalakas pa? (Hindi lang Chinese ang nakakukuha ng SRRV, halos lahat ng nationality basta may P3 milyon pondong mailalagak o panghahawakan ang PRA -Ed) 

Iba ang pakay ng mga ito. Niloloko at nanloloko sa mga Filipinong madaling masilaw sa kwarta. ‘Di bale nang malagay sa peligro, kumita lamang ng kwarta. Ganyan ang marami sa atin. Mahirap man o’ mayaman. Hindi naman kalahatan ang aking sinasabi rito. Ibang isyu pa iyon.

Ang delikadong sinasabi ko rito, kung ang marami nang nahuhuling Tsekwa ay edad 35-40 baka mga sundalo na ito ng China. Dahil ang masaklap, pihadong ang iba sa kanila, ay nakalusot na at ‘di naman nahuli.

Ang ganitong karaketan ay talagang delikado. Nilalagay tayo ng kapwa nating Filipino sa panganib, kumita lamang ng kwarta. Baka isang araw, kapag nagkabiglaan na, eh ikagulat pa natin na tayo pala ay napasok na at napapaligiran na ng mga Intsik.

‘Di na inisip ng mga raketerong ito na maging seguridad ng bansa ay kanilang isinasakripisyo.

Kailangan na sigurong isama na natin sa ating pagbabantay itong mga kababayan natin diyan sa PRA. Baka pikit-mata ang mga ito sap ag-apruba ng mga application ng mga Tsekwang dahil sa kwarta.

Eh sa mga napababalitang raid sa mga POGO, natatalisod ng ating mga awtoridad na ang mga Tsekwang ito ay mga passport holder na SRRV pa.

Aba, mga kababayan ko diyan sa PRA, mag-isip isip nga kayo.