Home NATIONWIDE VP Sara: 4 interesado sa kaniyang senatorial slate sa 2028

VP Sara: 4 interesado sa kaniyang senatorial slate sa 2028

151
0

DAVAO, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte noong Sabado na may ilang tao na lumapit sa kanya at humiling na mapasama sa kanyang senatorial slate para sa darating na national election sa 2028.

Noong nakaraang buwan, inihayag ni Duterte na tatakbo siya bilang pangulo sa 2028, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa pakikipag-team kay Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.

“Allergic ako sa mga pulitiko ngayon, so i-consider lang nila ako. Apat na ang lumapit sa akin,” ani Duterte, na ang pamilya ay may matatag na posisyon sa politika sa Davao City.

Bagamat sinabi niyang nakahanap na siya ng magiging running mate, hindi pa umano tiyak ng taong ito kung tatakbo.

“Hintayin na lang natin yung desisyon niya,” dagdag niya.

Hindi pinangalanan ni Duterte ang posibleng bise-presidente upang hindi ma-expose ang taong iyon sa mga posibleng atake sa politika. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here