Home NATIONWIDE “Epal” bawal sa pamamahagi ng fuel subsidy – Sen. Erwin

“Epal” bawal sa pamamahagi ng fuel subsidy – Sen. Erwin

145
0

MANILA, Philippines – Binabalaan ni Erwin Tulfo ang publiko na walang lugar ang mga “epal” na politiko sa pamamahagi ng tulong mula sa gobyerno sa gitna ng krisis sa mataas na presyo ng petrolyo.

Sinabi ni Tulfo noong Linggo, Marso 15, na mahigpit niyang ipinatutupad ang patakaran laban sa politikal na paggamit ng fuel subsidy na nakalaan para sa mga PUV drivers at mga mangingisda.

“May mga patakaran tayong nagbabawal sa pakikialam ng mga politiko. Ang sinumang mahuling ginagamit ang krisis na ito para sa political motives ay dapat parusahan,” ani Tulfo, na chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development.

Dagdag niya, “Ang pondo para sa mga subsidy na ito ay galing sa pinaghirapang buwis ng mga mamamayan; walang pakialam dapat ang kahit sinong politiko sa pamamahagi.”

Noong Pebrero, isinulong ni Tulfo ang Senate Bill No. 1750, o ang “Anti-Epal Act,” na naglalayong permanenteng ipagbawal ang pakikilahok ng mga elected officials at kandidato sa aktwal na pamamahagi ng tulong pinansyal ng gobyerno.

Tiniyak din ng senador na ang fuel subsidy ay dapat inclusive, kabilang ang 8.5 milyong motorcycle riders sa bansa. “Huwag nating iwanan ang motorcycle-riding public. Gumagamit sila ng gasolina sa kanilang motorsiklo, kaya hindi natin maaaring limitahan ang excise tax suspension sa diesel lamang,” ani Tulfo.

Sa kaniyang pahayag sa Senate Ways and Means Committee noong Marso 11, binigyang-diin niya ang pangangailangan na isama ang lahat ng sektor sa transportasyon upang hindi maapektuhan ang kabuhayan ng mga gumagamit ng motorsiklo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here