MANILA, Philippines -NAGPUNTA si Vice President Sara Duterte sa Japan nitong weekend para sa isang “private trip.”
Sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na sa kabila ng ‘unofficial nature’ ng pagbisita ni VP Sara sa Japan, ginamit naman nito ang pagkakataon para makapulong ang iba’t ibang grupo ng overseas Filipino workers’ (OFW) sa mga araw na nanatili siya roon.
“The Vice President visited Japan over the weekend and visited various OFW groups there during the course of her private trip,” ang sinabi ng OVP.
“She’s now back here in Manila,” ayon pa rin sa OVP.
Ang byahe ni VP Sara ay bago pa ang isinasagawang Iglesia ni Cristo’s (INC) “National Rally for Peace” sa Quirino Grandstand, ngayong araw ng Lunes, Enero 13.
Hindi naman kinumpirma ng OVP kung dadalo si VP Sara sa naturang rally. Kris Jose