Home NATIONWIDE VP Sara balik-Pinas na mula Netherlands

VP Sara balik-Pinas na mula Netherlands

MANILA, Philippines – Bumalik na sa Pilipinas si Pangalawang Pangulo Sara Duterte nitong Huwebes matapos ang kanyang kaarawan sa The Hague, kung saan nakakulong ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa kasong crimes against humanity.

Dumating siya sa NAIA bandang 7:40 ng gabi nitong Huwebes, Hunyo 5.

Ayon sa kanyang opisina, magsasalita siya ukol sa mahahalagang isyu sa mga susunod na araw.

Ang kanyang pagbalik ay kasabay ng nalalapit na pagboto ng Senado kung magbubukas ito bilang impeachment court ngayong Hulyo kaugnay ng kasong pagpapatalsik na inihain noong ika-19 na Kongreso.

Nauna nang kinuwestiyon ni Sara Duterte ang paglipat mula ika-19 patungong ika-20 Kongreso.

Samantala, inaasahang dadalaw din sa The Hague sina Honeylet AvanceƱa at Rep. Paolo Duterte sa dating pangulo. RNT