Home NATIONWIDE VP Sara biyaheng Malaysia

VP Sara biyaheng Malaysia

MANILA, Philippines- Sa gitna ng paghahanda ng Senado na mag-convene bilang impeachment court, kinumpirma ng Office of the Vice President nitong Martes na bumiyahe si Vice President Sara Duterte patungong Kuala Lumpur, Malaysia para sa personal trip kasama ang kanyang pamilya.

Habang nasa Malaysia, inihayag ng OVP na nakatakdang dumalo si Duterte sa Independence Day celebration at makilahok sa program consultation kasama ang overseas Filipino workers sa June 12.

Nanumpa si Senate President Francis Escudero nitong Lunes ng gabi bilang presiding officer ng impeachment court sa paglilitis kay Duterte. 

Ini-adopt din ng Senado ang mosyon ni Senator Joel Villanueva na manumpa ang natitirang mga senador bilang senator-judges sa impeachment trial ngayong Martes ng alas-4 ng hapon.

Bumoto rin ang Senado na i-refer ang verified impeachment complaint laban kay Duterte sa committee on rules.

Samantala, sinabi ni House Spokerperson Atty. Princess Abante na hindi sagabal ang personal trip sa Malaysia ni Duterte sa gagawing impeachment proceedings ng Senado.

Sa isang press conference, sinabi ni Abante na ang importante ay masimulan na ng Senado ang trial para alam na kung ano ang magiging susunod na hakbang ng prosecutors at ano ang mangyayari sa impeachment process.

Hindi sinabi ng Office of the Vice President kung kailan umalis si Duterte.

Pinatalsik si Duterte ng House of Representatives noong February 5, kung saan mahigit 200 lawmakers ang nag-endorso ng reklamo laban sa kanya. Inaakusahan siya ng betrayal of public trust, culpable violation of the constitution, graft and corruption, at iba pang high crimes. Gail Mendoza