Home NATIONWIDE VP Sara duda sa inilabas ng Kamara na listahan ng ‘confi’ funds...

VP Sara duda sa inilabas ng Kamara na listahan ng ‘confi’ funds recipient

MANILA, Philippines – Duda si Pangalawang Pangulo Sara Duterte sa listahan ng umano’y tumanggap ng pondo mula sa Office of the Vice President na inilabas ni House Deputy Majority Leader Francisco Paolo Ortega V.

Mula The Hague, sinabi ni Duterte na hindi niya matiyak kung ito nga ang listahang isinumite ng OVP.

“Di namin alam how they handled the chain of evidence talaga. Hindi natin alam kung iyan ba talaga ‘yung sinubmit ng Office of the Vice President,” aniya.

“At this point, hindi natin alam,” giit pa niya.

Ayon kay Ortega, may pito pang kahina-hinalang pangalan tulad ng “Dodong Alcala” at “Miggy Mango,” na sinamahan ng mga naunang pangalan gaya ng “Mary Grace Piattos” at “Xiaome Ocho,” na walang rekord sa PSA.

In-impeach ng House of Representatives si Duterte noong Peb. 5, at haharap sa paglilitis sa Senado sa Hulyo. RNT