Home ENTERTAINMENT Rabiya, itinakwil ng ama, hinarang ang ugnayan sa kapatid!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Rabiya, itinakwil ng ama, hinarang ang ugnayan sa kapatid!March 19, 2025 17:06 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Nagbunga rin sa wakas ang matagal nang paghahanap ni Rabiya Mateo sa kanyang Indian-American biological dad.Nakilalang si Syed Mohammed Hashmi ang ama ng dating beauty queen.Doktor ito sa Amerika at may sarili nang pamilya.Ayon mismo sa kuwento ni Rabiya, sanggol pa lang siya nang iwan nito ang kanyang pamilya.Not one to give up, pinursige ni Rabiya ang paghahanap sa ama.Nang sa wakas ay nahanap na niya ito ay saka naman daw siya pinagsabihang huwag nangmakipag-ugnayan sa kanya.Syed told her he didn’t want anything to do with her.Sinikap ni Rabiya na makipag-communicate sa kanyang half-sister pero lagi raw hinaharang ng ama.Ang kay Rabiya, all she wanted ay makilala ang kanyang ama.Ni hindi raw sumagi sa kanyang isip na humingi ng pinansyal na suporta.Nagkaroon na rin finally ng realization si Rabiya sa ginawang pag-disown sa kanya ng ama.Mas higit daw siyang magsisikap sa buhay.Matatandaang isa sa mga dahilan kung bakit sumali sa local beauty contest si Rabiya ay para makilala.Baka sa pamamagitan niyon ay matunton niya ang kinaroroonan ng ama, na nabalitaan niyang nasa US.Kinatawan ni Rabiya ang bansa sa Miss Universe years ago kung saan umabot lang siya bilang isa sa mga semi-finalists. Ronnie Carrasco III