MANILA, Philippines – Nagtala ang Pilipinas ng 39,164 na benta ng sasakyan noong Pebrero, tumaas ng 4.1% mula Enero at 2.9% kumpara sa nakaraang taon.
Ang 79.16% ng mga benta ay commercial vehicles, habang 20.82% ay passenger cars.
Nanguna ang Toyota sa merkado na may 47.67% na bahagi kung saan umabot sa 76,768 units ang kabuuang benta ngayong taon, mas mataas ng 6.4% mula 2023.
Ayon sa CAMPI, dulot ito ng matatag na supply chain, lumalaking demand sa electric vehicles, at makabagong teknolohiya. Target ng industriya ang 500,000 na benta sa 2025. RNT