Home METRO P6.8M ismagel na yosi nasabat sa Lanao Norte

P6.8M ismagel na yosi nasabat sa Lanao Norte

Nakarekober ang mga awtoridad ng P6.8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Brgy. Piraka, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte noong Marso 16.

Natagpuan ng pulisya ang 170 kahon ng iba’t ibang tatak ng sigarilyo sa pagitan ng baybayin at highway.

Dinala ang mga ito sa istasyon ng pulis para sa dokumentasyon bago ipasa sa Bureau of Customs.

Pinuri ni PRO-10 Director Brig. Gen. Jaysen C. de Guzman ang operasyon at tiniyak ang patuloy na kampanya laban sa smuggling.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang may-ari at pinagmulan ng kontrabando. RNT