Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na tumangging makipagtulungan ang Malaysia sa kaso ng pagtakas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa isang nakaraang legal na isyu kaugnay ng Sultanato ng Sulu.
Ayon kay Remulla, may impormasyon ang Malaysia tungkol sa flight ni Guo ngunit tumanggi itong ibigay.
“The case of Alice Guo is a very peculiar case because Malaysia refused to cooperate with us. Malaysia is supposed to give us the information,” ani Remulla sa Kapihan sa Manila Bay.
“They know what flight entered, what aircraft entered, where she was riding but they refused to give it to us for some reasons that were alluded to about the cases of our brothers in the South,” dagdag pa ng kalihim.
Nauna nang inutusan ng isang French court ang Malaysia na magbayad sa mga tagapagmana ng Sultanato, ngunit ito ay naibasura kalaunan.
Patuloy namang walang ideya ang Bureau of Immigration kung paano nakatakas si Guo. Nanawagan si Remulla kay Sen. Risa Hontiveros na unawain ang sitwasyon ng BI sa kasong ito. RNT