TOKYO, Japan – Dumalo si Vice President Sara Duterte sa dalawang Filipino community-sponsored rally sa lungsod ng Sumida at Nagoya sa Japan nitong weekend.
Nanawagan na tuldukan ang korapsyon sa gobyerno at palayain si dating Pangulong president Rodrigo Duterte mula sa detensyon.
Sa naging talumpati ni VP Sara sa Sumida City, Tokyo, pinagtibay nito ang plano para sa “Pray for the Philippines” rally sa kanyang hometown na Davao City, kung saan hinikayat ng mga protesters ang gobyerno na kagyat na kumilos laban sa korapsyon at iba pang ilegal na aktibidad kabilang na ang pag-aresto sa dating Pangulo.
Sabay-sabay, ang mga Filipino sa iba’t ibang panig ng bansa, nakiisa rin sa “Trillion Peso March” para i-protesta ang maanomalyang flood control projects at manawagan para sa katarungan sa itna ng pagkakasangkot ng ilang high-ranking public officials. Ang kaalyado ng mga Dutertes at Marcoses aynaka-tagged sa usapin.
“Pagpiyestahan namin ang mga buwaya,” ang sinabi ni VP Sara sa Filipino communitysa Sumida Riverside Hall matapos ibahagi sa mga ito ang plano para sa Davao City rally, araw ng Sabado, Sept. 20.
Ayon kay VP Sara, personal siyang tinawagan ng Crocodile Park sa Davao City, kung saan sinabi sa kanya na magpapadala sila ng “lechon buwaya (roasted crocodile)” sa rally, habang isang malaking crocodile-shaped cake naman ang ipinadala ng isang kaibigan na nagmamay-ari ng ilang bakery shops.
Ang mga buwaya ay giagamit para ilarawan ang mga kurakot na opisyal dahil dahil sila ay nauugnay sa kasakiman, panlilinlang at nepotismo.
Sa kabilang dako, sa naging talumpati naman ni VP Sara sa Sumida City, nanawagan ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa “non-stop pambubudol ” sa mga Filipino, kinuwestiyon din ang pinakabagong hakbang na ibalik ang P60 billion sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Araw ng Linggo, Sept. 21, nagpahayag naman ng panibagong talumpati si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Miwa Cultural Center sa Ama City, Nagoya.
Ang dalawang events sa Tokyo at Nagoya ay inorganisa ng Filipino community doon. (KRIS JOSE)