Home NATIONWIDE VP Sara handa sa bagong impeachment case

VP Sara handa sa bagong impeachment case

168
0

MANILA, Philippines – Handa ang mga abogado ni Vice President Sara Duterte para sa anumang bagong tangkang impeachment na ayon sa kanya ay mas nakatuon sa 2028 election kaysa pananagutan.

Ayon ito sa pangalawang pangulo matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang desisyon noong Hulyo 2025 na nagsasabing labag sa Konstitusyon ang Articles of Impeachment laban sa kaniya.

Ayon sa korte, nauna nang sinimulan ang impeachment process sa pamamagitan ng tatlong reklamo noong Disyembre 2024, kaya hindi maaaring i-endorso ng Kamara ang ikaapat na reklamo noong Pebrero 2025.

Tinanggap ni Duterte ang hatol at tinawag itong “pang-aabuso” ng Kamara sa proseso.

Ayon pa sa Korte Suprema, ang impeachment ay itinuturing na sinimulan kapag ang na-verify at inendorso na reklamo ay hindi nailagay sa Order of Business ng Kamara sa loob ng 10 session days o hindi na i-refer sa Committee on Justice matapos mailagay sa Order of Business sa loob ng tatlong session days.

Binigyang-diin ng Korte Suprema ang due process, tulad ng pagbibigay ng kopya ng reklamo sa lahat ng miyembro ng Kamara bago ang botohan.

Nanawagan si Rep. Gerville Lusitro na baguhin ang mga panuntunan sa impeachment, habang tinutulan ni Senate President Vicente Sotto III ang desisyon, na tinawag itong judicial overreach.

Sinabi ni Sotto na susuportahan niya ang Charter Change upang linawin ang impeachment process. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here