Home NATIONWIDE VP Sara, ipatatawag ng prosekusyon bilang witness sa impeachment case – Kapunan

VP Sara, ipatatawag ng prosekusyon bilang witness sa impeachment case – Kapunan

1
0

MANILA, Philippines — Balak ng House prosecution panel na ipatawag si Vice President Sara Duterte bilang witness sa kanyang impeachment trial matapos nitong hindi na ituloy ang pagharap sa natitirang 15 saksi kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Inihayag ni private prosecutor Lorna Kapunan sa Senate impeachment court nitong Martes, Setyembre 8, na sa halip na iharap ang natitirang witnesses para sa Article I, nais ng prosecution na mismong si Duterte ang sumagot sa mga usapin kaugnay ng confidential funds.

Ayon kay Kapunan, nakapagpresenta na ang prosecution ng 10 witnesses habang ang testimonya ng dalawa pa ay naging subject ng stipulation, dahilan upang hindi na kailanganin ang kanilang personal na pagharap.

Sinabi rin niyang nakapagpresenta na ang panel ng libu-libong dokumento bilang bahagi ng kanilang ebidensya sa Article I.

Gayunman, nilinaw ni Kapunan na hindi pa humihingi ng subpoena ang prosecution laban kay Duterte.

Aniya, balak nilang ipatawag ang Bise Presidente sa pagtatapos ng presentation ng prosecution para sa lahat ng articles of impeachment dahil itinuturing nilang magiging material ang kanyang testimonya hindi lamang sa confidential funds issue kundi pati sa iba pang alegasyon laban sa kanya.

Nauna nang sinabi ng House prosecution na sapat na umano ang mga naipresentang testimonya at ebidensya upang suportahan ang kanilang mga alegasyon sa Article I.

Kabilang sa apat na articles na binanggit ng prosecution ang umano’y misuse at misappropriation ng confidential funds, unexplained wealth, bribery at grave threats.

Patuloy namang itinatanggi ni Duterte ang mga alegasyong nakapaloob sa impeachment case laban sa kanya.

Wala pang pinal na kautusan ang Senate impeachment court na nag-uutos kay Duterte na humarap bilang witness. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here