Home NATIONWIDE VP Sara kay Boying: Kung ako Presidente, ‘di ko siya itatalagang Ombudsman

VP Sara kay Boying: Kung ako Presidente, ‘di ko siya itatalagang Ombudsman

352
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte na kung siya ang pangulo, hindi niya itatalaga si Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang Ombudsman.

“Kung ako presidente, hindi siya ang ia-appoint ko na Ombudsman,” ani Duterte sa panayam sa Mati City, Davao Oriental, matapos ang 7.4 magnitude na lindol doon.

Si Remulla, na nanguna sa pag-aresto at extradition ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), ay pormal nang nanumpa bilang Ombudsman nitong Biyernes. Inihayag niyang maglalabas siya ng bagong memorandum para gawing mas accessible sa publiko ang SALN ng mga opisyal.

Hinamon naman siya ni Duterte na pag-aralan ito nang mabuti: “Huwag na niya silipin. Ilagay na niya sa harap niya at pag-aralan na niya ng maayos kung ano man ‘yung gusto niyang gawin… Ipagpasa-Diyos na lang natin siya at ang kanyang mga gagawin bilang Ombudsman.”

Sa kanyang pagbisita, nakiramay rin si Duterte sa mga biktima ng lindol at pinaalalahanan ang publiko na manatiling kalmado, sundin ang mga paalala ng disaster councils, at palaging may nakahandang “Go Bag” para sa agarang paglikas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here