Home HOME BANNER STORY VP Sara, lilitisin sa grave threats case sa Sept. 11

VP Sara, lilitisin sa grave threats case sa Sept. 11

1
0

MANILA, Philippines — Nakatakda sa Biyernes, Setyembre 11, ang arraignment ni Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats.

Base sa ulat, sinabi ni Atty. Michael Poa na hindi pa nila natatalakay ng Bise Presidente ang pagharap nito sa korte. Kailangan aniyang personal na dumalo ang akusado upang maghain ng plea.

Nagsampa ang Department of Justice noong Agosto ng tatlong bilang ng grave threats laban kay Duterte dahil sa mga pahayag nitong may inatasan siyang pumatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling magtagumpay umano ang banta laban sa kanya.

Iginiit ni Duterte na inilabas sa konteksto ang kanyang mga sinabi.

Naghain din siya ng motion to quash dahil umano sa usapin ng hurisdiksiyon at sa sinasabi niyang limitadong procedural immunity ng mga impeachable official habang nanunungkulan. Nagsagawa ang korte ng oral arguments tungkol dito noong Agosto.

Naglabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Duterte noong Setyembre 4, ngunit nakapagpiyansa siya kinabukasan.

Samantala, sinabi ng isang grupo ng kanyang mga tagasuporta na magtitipon sila sa harap ng Quezon City Regional Trial Court simula Huwebes ng gabi. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here