Home NATIONWIDE Appointment nina Dizon, Lopez pinalawig ni PBBM

Appointment nina Dizon, Lopez pinalawig ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – KINUMPIRMA ni Executive Secretary Ralph Recto na pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakatalaga kina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon at Department of Transportation (DOTr) Sec. Giovanni Lopez.

Ayon kay Recto, hindi pa agad isusumite sa Commission on Appointments (CA) ang appointment ng dalawang kalihim.

Aniya, ipapadala rin sa CA ang kanilang appointments “at the appropriate time.”

“Darating din tayo diyan, but for now the President extended the appointment of these two Cabinet members,” ang pahayag ni Recto.

Dahil dito, patuloy na gagampanan ni Dizon ang kanyang tungkulin sa DPWH, kabilang ang mga isyung may kinalaman sa mga proyekto ng ahensya.

Wala pang inilalabas na tiyak na petsa kung kailan isusumite sa CA ang kanilang appointments.

Matatandaang, itinalaga ng Pangulo si Dizon bilang bagong kalihim ng DPWH kapalit ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na nagbitiw sa puwesto epektibo Setyembre 1, 2025.

Inatasan si Dizon na magsagawa ng full organizational sweep at tiyaking magagamit lamang sa mga proyektong pang-imprastruktura ang pondo ng bayan

Kasabay nito, si Atty. Giovanni Lopez ang pansamantalang uupo bilang acting secretary ng DOTr.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, nagsilbi siyang undersecretary para sa Administration, Finance, at Procurement, at naging chief of staff ng DOTr mula 2020 hanggang 2022. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here