MANILA, Philippines – Hindi umano naintindihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘sarcasm’ sa pagpapasalamat ni Vice President Sara Duterte sa pagtulong ng una na makaayos nito ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kasunod ng reaksyon ni Marcos sa sinabi ni Duterte, at sinabing masaya siya na natulungan ang mag-ama na magbati habang nasa detention ang dating Pangulo sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
“I think the sarcasm is lost on him. Hindi niya siguro ako naiintindihan,” sinabi ni VP Sara Duterte sa panayam nitong Biyernes, Abril 4.
“Hindi niya siguro naiintindihan na ang duty and obligation niya ay para sa bayan, hindi para ayusin ang mga problema ng — personal na mga problema ng mga pamilya. The sarcasm was lost on him,” paliwanag niya.
“This really is ironic, but I have to thank Bongbong Marcos because there was forgiveness between me and [former President Rodrigo Duterte] for all that has happened in our lives.”
“And we have a relationship now — a father-daughter relationship,” pagpapatuloy nito. RNT/JGC