Home NATIONWIDE Digong pipiliing mamatay sa Pilipinas

Digong pipiliing mamatay sa Pilipinas

MANILA, Philippines – Nais umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mamatay sa Pilipinas kung kaya’t nais nitong mapabilis na ang paglilitis sa mga kaso ng crimes against humanity laban sa kanya.

Ito ay ayon kay Vice President Sara Duterte nang makapanayam sa The Hague, Netherlands.

“He’s in good spirits today,” sinabi ni VP Sara, na tumutukoy sa ama.

“And then, well, he repeatedly said, and I told him, ‘I understand where you are coming from,’ and I totally agree with the urgency he wants to go back to the Philippines,” sinabi pa ng Bise Presidente.

“Sabi niya, ‘I am an old man, I can die anytime but I want to die in my country,” dagdag niya.

“Everything that I did was for my country. Whether that statement is acceptable or not, but that is my statement. Everything I did, I did for my country.”

Siniguro naman ni VP Sara sa publiko na nakatatanggap ng maayos na medical care ang ama sa loob ng detention facility ng
International Criminal Court (ICC). RNT/JGC