Home HOME BANNER STORY VP Sara sinupalpal ng Palasyo: PBBM admin nagmana ng malaking utang sa...

VP Sara sinupalpal ng Palasyo: PBBM admin nagmana ng malaking utang sa Duterte admin

68
0

MANILA, Philippines – Pumalag ang Malakanyang sa naging pagbatikos ni Vice President Sara Duterte sa lumalagong utang ng bansa.

Ayon sa Palasyo, ang malaking utang ay minana ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamumuno ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung meron tayong mga pagkakautang, ito ay normal naman sa ibang bansa para maibigay na tulong sa ating mga kababayan,” pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro.

“At tandaan po natin, lumaki ang utang hindi po sa panahon ngayon lamang. Lumaki ang utang dahil namana po ni Pangulong Marcos Jr. ang napakalaking utang na nakuha ni dating pangulong Duterte at ito ay napabayaan ‘di umano dahil sa mga pang-aabuso sa Pharmally at sa mga ghost projects noon ng Build, Build, Build,” dagdag pa niya.

Matatandaan na sa panayam ay binatikos ni Vice President Duterte ang lumalagong utang at unemployment sa bansa dahil sa bigo umanong pagtutok ng pamahalaan sa trabaho nito at sa halip ay pagtutok sa mga kritiko ang inaatupag.

Ani Duterte, ito ay inaasahan “because the entire administration, especially the President, is not working.”

Bilang tugon, sinabi ni Castro na ang Pangulo ay nagtatrabaho nang mabuti hindi tulad ni Duterte.

“Hindi niya alam ang nangyayari, kung ano ang tinatrabaho ng Pangulo. Kita ninyo naman po, kayo nandito ngayon for the ASEAN Summit, ang Pangulo po ay nagta-trabaho,” ani Castro.

“Abalang-abala ang Pangulo sa ASEAN Summit. Ang mga concerned agencies at concerned departments ng ehekutibo ay nandito para magtrabaho. Samantalang ang Bise Presidente, nandoon po sa ibang bansa at nagbabakasyon. So, wala po siyang naitutulong ngayon sa ASEAN, at wala po siyang nagiging trabaho,” dagdag pa niya.

Si Duterte ay kasalukuyang nasa The Hague kung saan naka-detain ang ama nitong dating Pangulo.

Matatandaan din na makailang ulit nang binatikos ni Duterte ang pamahalaan habang ito ay nasa biyahe abroad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here