Home NATIONWIDE VP Sara sisilbihan ng subpoena sa ‘kill remark’ vs PBBM

VP Sara sisilbihan ng subpoena sa ‘kill remark’ vs PBBM

MANILA, Philippines- Nakatakdang matanggap ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes ang subpoena mula sa Department of Justice upang ipaliwanag ang umano’y banta niyang pagpapapatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinabi niyang “does not constitute an active threat.”

Isisilbi ng National Bureau of Investigation ang subpoena kay Duterte sa kanyang opisina sa Mandaluyong, ayon sa ulat.

Nauna nang inihayag ng DOJ na bibigyan si Duterte ng limang araw upang ipaliwanag ang kanyang weekend press conference kung saan sinabi niyang ipinag-utos niyang patayin sina Marcos, Speaker Martin Romualdez, at First Lady Liza Araneta-Marcos sakaling magtagumpay ang umano’y planong paslangin siya.

Giit naman ni Duterte, ang kanyang pahayag “does not constitute to an active threat.” 

“This is plan without a flesh,” wika ng Bise Presidente.

“I am confident that an honest scrutiny would easily expose this narrative to be farce, imagined, or nothing at all,” dagdag niya.

Nitong Lunes, sinabi ni Duterte na ang kanyang mga pahayag ay “maliciously taken out of logical context.” RNT/SA