Home NATIONWIDE VP Sara tinawag na ‘intellectually challenged’ pahayag ni PBBM na waepek sa...

VP Sara tinawag na ‘intellectually challenged’ pahayag ni PBBM na waepek sa ekonomiya ng Pinas ang tensyon sa M. East

MANILA, Philippines – Tinawag ni Bise Presidente Sara Duterte na “intellectually challenged” ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang sigalot sa Gitnang Silangan.

“Well, we’re not surprised. We have leaders who are intellectually challenged at the moment,” tugon ni Duterte sa naging reaksyon ni PBBM.

Binatikos din niya si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa umano’y pagsuko ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.

Aniya, insulto ito sa bansa at “intellectually challenged” na hakbang dahil wala na tayong obligasyon sa ICC matapos tayong kumalas dito.

Itinanggi niyang emosyonal siya sa pagtawag sa administrasyon na “bobo,” at iginiit na totoo lamang ang kanyang sinabi. “Kulang-kulang ang braincells ng mga nagsasalita para sa administrasyon,” dagdag niya.

Iginiit din niya na ginagamit ng administrasyon ang “political scapegoating” upang ilihis ang atensyon ng publiko sa mga isyu tulad ng “blank” na item sa national budget at umano’y iskandalo ng miyembro ng First Family.

Aniya, ang impeachment case laban sa kanya ay kasunod ng nabigong People’s Initiative para tanggalin ang Office of the Vice President at gawing parlamentaryo ang sistema ng gobyerno. RNT