Home NATIONWIDE House dudulog sa SC kapag binasura ng Senado ang VP impeachment case

House dudulog sa SC kapag binasura ng Senado ang VP impeachment case

225
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Handang dumulog sa Korte Suprema ang prosekusyon ng Kamara kung ibasura ng Senado ang impeachment case laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Ayon kay tagapagsalita Atty. Antonio Audie Bucoy, ang SC ang huling hantungan pagdating sa mga isyung konstitusyonal.

Ito ay matapos igiit ni Duterte na dapat ibasura ang kaso dahil sa paglabag sa one-year bar rule ng Konstitusyon.

Tinuligsa naman ito ng Kamara, na sinabing mabibigat ang mga paratang tulad ng pagtataksil sa tiwala ng bayan, graft, paglabag sa Konstitusyon, at pagbabanta sa buhay ni Pangulong Marcos at iba pa.

Kung papanigan ng Senado si Duterte, magsasampa ang Kamara ng petition for certiorari with mandamus sa SC, na nagsasabing may “grave abuse of discretion.”

Binalaan ni Bucoy na posibleng mauwi ito sa “constitutional crisis” kung di susundin ng Senado ang utos ng Korte Suprema.

Ayon kay Senate President Francis Escudero, maaaring maghain ng mosyon ang sinumang senador para ibasura ang kaso dahil walang batas o patakaran na nagbabawal nito. Iginiit ni Bucoy na mahalaga pa ring maisagawa ang paglilitis kahit maabsuwelto si Duterte, upang maipakita sa publiko ang ebidensya.

Mariing itinanggi ng Bise Presidente ang lahat ng akusasyon. Wala pang desisyon ang Kamara kung hihilingin nilang mag-inhibit ang mga senador na nagpapakita ng bias sa kaso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here