NANGUNGUNA si Vice President Sara Duterte sa listahan ng mga gusto at piniling presidential candidates sa 2028 elections.
Sa pinakabagong non-commissioned opinion survey na ginawa ng Oculum Research and Analytics, makikita na si VP Sara ang mas pinaboran na presidential candidates sa 2028 elections.
Sinabi pa sa survey na, nakakuha si VP Sara ng 25.4% voter preference, dahilan para maging ‘top presidential contender’ ito sa survey.
Gayunman, dumausdos ang suporta sa kanya kumpara sa 42% voter preference score na nakuha niya sa first quarter survey.
Sa kabilang dako, si Senator Raffy Tulfo ang pumangalawa sa puwesto sa pinakabagong poll na may 18.5%. Sinundan siya ni dating VP Leni Robredo na may 10.6%, Senator Imee Marcos na may 5.7%; dating Manila Mayor Isko Moreno na may 4.8%, at dating Senador Manny Pacquiao na may 3.1%.
Bumuntot naman si Senator Risa Hontiveros sa pang-pito na may 2.9%, Senator Robin Padilla na may 2.6%, habang pang-siyam naman si House Speaker Martin Romualdez na may 0.8%.
Tinatayang 20.4% ng mga respondents ang nagsabi na nananatili silang undecided habang 4.3% ang sumagot ng ‘none of the above.’
“Inday Sara Duterte emerges as the current frontrunner with widespread support, particularly in Mindanao. Senator Raffy Tulfo, while second overall, shows a broad appeal across various regions. Former VP Leni Robredo, although third, has concentrated support in Southern Luzon,” ang sinabi ni Dr. Racidon Bernarte, Oculum Research Head and Managing Director of the Asia-Pacific Consortium of Researchers and Educators Inc. (APCoRE).
“The high percentage of undecided voters and those opting for none of the above highlights potential volatility and opportunities for candidates to sway the electorate as the election approaches,” ang sinabi ni Bernales.
Samantala, si Tulfo naman ang top choice para sa vice-presidential candidates sa 2028 elections na may 20%. Sinundan siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may 16%; Robredo na may 7%; Moreno na may 6%; at Hontiveros na may 6%.
Pumwesto naman si Senator Bong Go sa pang-anim na may 5%; Padilla ay pang-7 na may 4%; Pacquiao, pang-walo na may 4%, at Marcos na may 4%. Si Romualdez ay nasa ranked na pang-9 na may 1%.
Si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, naman ang nanguna sa listahan ng Senate candidates para sa 2025 national at local elections (NLE) na may 56%. Rep. Erwin Tulfo naman ang pangalawa na may 52%; Pacquiao, pangatlo na may 45%; Moreno, pang-apat na may 45%; at Rodrigo Duterte, na may 43%.
Ang iba pang potensiyal na Senate candidates ay sina:
Senator Bong Revilla (36%)
Pasig City Mayor Vico Sotto (34%)
Senator Pia Cayetano (32%)
Senator Bong Go (32%)
Former Senator Ping Lacson (30%)
Senator Ronald dela Rosa (29%)
Senator Lito Lapid (28%)
Dr. Willie Ong (28%)
TV Host Willie Revillame (28%)
Rep. Richard Gomez (24%)
Former QC Mayor Herbert Bautista (24%)
Former VP Leni Robredo (23%)
Senator Imee Marcos (23%)
Makati Mayor Abby Binay (20%)
Former Senator Gregorio Honasan (19%)
Rep. Ralph Recto (17%)
Former Senator Bam Aquino (17%)
Former DILG Sec. Mar Roxas (16%)
Tinatayang 1,200 Filipino adults ang nagpartisipa sa Oculum second quarter poll na isinagawa mula June 25 hanggang June 30, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face na panayam. Mayroon itong sampling error margin na ±3% at mataas na confidence level na 95%.
Ginawa ng Oculum ang survey kasama ang APCoRE, isang professional organization ng mga akademya at mananaliksik, Areopagus Communications Inc., at PressOne.PH. Kris Jose