Home NATIONWIDE VP Sara, Velasco inimbitahan ng NBI ukol sa alegasyon ng ‘cash delivery’

VP Sara, Velasco inimbitahan ng NBI ukol sa alegasyon ng ‘cash delivery’

5
0

MANILA, Philippines – Nagpadala ang National Bureau of Investigation (NBI) ng imbitasyon kay Vice President Sara Duterte, dating House Speaker Lord Allan Velasco at iba pang indibidwal na iniugnay ni dating pulis Rodulfo Gracioso Jr. sa kanyang alegasyon tungkol sa “cash delivery.”

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, ipinadala ang mga imbitasyon sa kani-kanilang address nitong Huwebes. Kabilang dito sina Sara Duterte, Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, Velasco at asawa nitong si Rowena.

Inaasahang haharap sila sa NBI sa Lunes, Oktubre 5.

Ayon kay Gracioso, dating aide ni Velasco, personal niyang dinala ang mga maleta na puno ng pera kina Sara Duterte, Paolo Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2018 hanggang 2020.

Una nang inilabas ng NBI ang resulta ng polygraph examination kay Gracioso na nagsabing “no deception indicated” kaugnay ng kanyang sinumpaang salaysay.

“So, there are still people we will invite and subpoena,” ani Matibag.

Itinanggi naman ni Vice President Sara Duterte na kilala niya si Gracioso at muling itinanggi ang mga alegasyon nito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here