Home NATIONWIDE VP Sara, walang immunity sa kaso – DOJ

VP Sara, walang immunity sa kaso – DOJ

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Frederick A. Vida na Pangulo lamang ang may immunity from suit habang nasa puwesto at hindi ang Vice President. Hindi rin nangangahulugan ang pagiging impeachable official na hindi maaaring kasuhan sa regular na korte.

Ayon kay Vida, ang usapin sa hurisdiksyon at iba pang legal na argumento ay dapat pagpasiyahan ng korte. Tiniyak din niyang nakahanda ang law enforcement agencies na tiyakin ang seguridad ni Vice President Sara Duterte.

Iginiit din ni Vida na walang selective justice sa pagsasampa ng mga reklamo at kaso sa Department of Justice (DOJ). Aniya, nakabatay sa batas at ebidensya ang aksyon ng mga prosecutor at hindi sa personalidad ng inaakusahan.

Kabilang sa mga kasong tinututukan ng DOJ ang reklamo laban kay Duterte at iba pang matataas na opisyal na may kinakaharap na kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here