Home HEALTH Vulnerable population uunahing bakunahan ng DOH vs pertussis

Vulnerable population uunahing bakunahan ng DOH vs pertussis

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health (DOH) na uunahin nitong protektahan o bigyan ng bakuna ang vulnerable population laban sa pertussis o whooping cough.

Ginawa ito ng DOH sa gitna ng mga ulat na ang libreng booster shot para sa mga batang may edad 5 taong gulang pataas, mga kabataan, matatanda, at mga buntis ay hindi available sa mga health center.

“In a situation with limited resources, the DOH is choosing to protect the most vulnerable first and is open to exploring ways to make access to the vaccines easier for the other population groups,” anang DOH.

Sinabi pa ng kagawaran na may kabuuang 568 kaso ng pertussis na may 40 na ang naitalang nasawi hanggang noong Marso 16. Humigit-kumulang 393 sa mga kaso ay wala pang isang taong gulang.

“Choosing to focus vaccination efforts to the youngest (as early as 6 weeks of age) and with a multi-purpose vaccine (e.g., pentavalent which protects not just against pertussis but also diphtheria, tetanus, hepatitis B, and haemophilus influenza B) gives multivalent protection to this age group and as they grow older,” ayon pa sa DOH.

Anang health department na ang pertussis ay maaaring magamot sa pamamagitan ng antibiotic at maaaring tumagal mula apat hanggang 14 na araw.

Bukod sa pagbabakuna, ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagtatakip ng bibig tuwing uubo at babahing at sa pamamagitan ng regular at wastong paghuhugas ng kamay.

Ang pertussis ay nagsisimula bilang isang banayad na ubo at sipon na tumatagal ng humigit-kumulang dalawang linggo, at sinusundan ng paroxysms o fit of cough na tumatagal ng hanggang anim na linggo.

Nauna nang sinabi ni DOH Undersecretary Eric Tayag na aabot sa 1 milyong bakuna na bibilhin sa pamamagitan ng United Nations International Children’s Emergency Fund ang inaasahang darating sa Hunyo.

Aniya, mahigit P8 bilyon ang inilaan para sa pagbili ng lahat ng uri ng bakuna “para sa mamamayang Pilipino.” RNT

Previous article#WalangPasok ngayong Martes, Abril 2 sa init ng panahon
Next articleSuspensyon ng klase sa sobrang init ‘di problema – VP Sara