Home NATIONWIDE Waiver para payagang magdisiplina sa mga estudyante ibinigay ng guro

Waiver para payagang magdisiplina sa mga estudyante ibinigay ng guro

MANILA, Philippines – Inireklamo ng isang concern citizen ang isang discipline waiver na ibinigay ng isang grade 2 teacher sa kanyang klase sa isang pampublikong paaralan sa Rizal.

Base sa ulat, hiniling sa mga magulang ng mga mag-aaral na pirmahan ang waiver na nagpapahintulot sa guro na magpatupad ng pagdidisiplina sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng aksyon at verbal na paraan, ngunit hindi ito makakasakit sa kanila.

Sinabi ng abogadong si Conrad Ezra Leano, na nagsuri sa waiver, ay nagsabi na ang mga naturang dokumento ay kinikilala sa ilalim ng batas. Gayunpaman, sinabi niya na sa ilalim ng Article 6 ng Civil Code of the Philippines, ang waiver ay itinuring na walang bisa kung ito ay labag sa batas o kung ito ay sumasalungat sa mga umiiral na patakaran.

“Hindi naman nila inispecify kung paano nila didisiplinahin ‘yung mga bata. We have to remember na mayroong mga guidelines, mayroong mga batas na nagrestrict sa aksyon ng isang guro,” ani Leano.

Base sa ulat na nakipag-ugnayan umano ang DepEd sa guro at ipinag-utos na itigil ang pamamahagi ng waiver.

Paliwanag niya, wala siyang masamang hangarin sa nasabing waiver.

Nakipag-usap na rin ang DepEd sa mga kinauukulang magulang ng mga estudyante at nilinaw ang usapin. Santi Celario