MANILA, Philippines – Nasa 300 litro ng industrial fuel ang natanggal na mula sa lumubog na motor tanker Terranova sa karagatan ng Limay, Bataan nang walang mga tagas at epektibong napigil ito, iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules, Agosto 14.
Sinimulan ng contracted salvor ang inisyal na pagsipsip ng MTKR Terranova na may dalang 1.4 milyong litro ng langis nang ito ay lumubog.
“Approximately 300 liters of oil were transferred to a tank to test the equipment, with no leaks observed and minimal oiling effectively contained using one length of boom,” sinabi ni PCG Bataan Station commander Lieutenant Commander Michael John Encina.
Sinabi ni Encina na karagdagang equipment ang inaasahang mangangasiwa ang susunod na yugto ng oil transfer operations ngayong Miyerkules.
Isinailalim na sa state of calamity ang Bataan dahil sa oil spill mula sa MTKR Terranova, sa lumubog na MTKR na si Jason Bradley, at sa sumadsad na MT Mirola 1.
Sa Cavite, idineklara na ang state of calamity sa hindi bababa sa walong bayan.
Sinabi ng Office of Civil Defense na 352,179 katao sa mga coastal barangay sa Cavite ang naapektuhan ng oil spill na umabot sa kanilang mga baybayin, na may nawawalang kita na aabot sa halos P18 milyon bawat araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden