Home HOME BANNER STORY Wala pang plano ng pagdaragdag ng barko sa Ayungin Shoal – AFP...

Wala pang plano ng pagdaragdag ng barko sa Ayungin Shoal – AFP chief

MANILA, Philippines – Wala pang plano ang bansa na magdagdag ng mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal dahil sa shortage ng mga barko.

“Well, right now we don’t have any plans of adding more ships that we’re going to moor at the Ayungin Shoal,” pahayag ni Armed Forces (AFP) Chief of Staff Romeo Brawner Jr. sa panayam ng CNN Philippines.

“Not a good plan because definitely we will need all of our ships to be able to sail our seas and we don’t have enough ships,” dagdag pa niya.

Noong Sabado, matatandaan na binomba ng Chinese Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas gamit ang water cannon.

Patungo sana ang mga ito para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Ang BRP Sierra Madre ay World War II-era ship na sadyang iniwan sa Ayungin Shoal noong 1999 upang magsilbing military outpost sa West Philippine Sea. RNT/JGC