MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) nitong Biyernes, Setyembre 27 na wala pang magiging pagtaas ss presyo ng pangunahing produkto kasabay ng pag-asang mananatili ito hanggang sa Christmas season.
“For now there will be no price increase. We will retain the prices – the SRPs as of now. So of course we always give audience to the manufacturers and we also consult with the consumers just to know what is happening with them and then how their business are doing. But for now, there’s no price increase,” pahayag ni DTI acting secretary Cristina Roque.
“I can’t commit now but for now there’s really no price increase and if we can extend it to Christmas of course better for us to have no price increase,” dagdag niya.
Ani Roque, nais nilang bigyan ng pagkakataon ang mga consumer ng abot-kayang produkto.
“So ‘yun talaga ang stand ng DTI, it is to really get consumers a cheaper price. Get the consumers price that they can afford so that they also have extra money for personal not just only napupunta na sa food,” sinabi pa ni Roque.
Pagdating naman sa noche buena products, sinabi ng opisyal na susuriin nila kung magkakaroon ba ng pagtaas sa presyo nito batay sa panukalang presyo ng mga manufacturer.
“Actually I already told my team that we’re gonna review kasi alam na natin yan na pag dating ng ber months of course yung mga ham – everything that’s needed sa Noche Buena yun talaga ang pinagtuunan natin ng atensyon,” ani Roque. RNT/JGC