Home NATIONWIDE Walang alegasyon ng iregularidad sa bagong Senate building – Escudero

Walang alegasyon ng iregularidad sa bagong Senate building – Escudero

MANILA, Philippines – Kinontra ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pananaw ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri na tiwala itong walang iregularidad na makikita sa pagtatayo ng new Senate building sa Taguig City.

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na walang nagsabi sa kasalukuyang mayorya ng Senado kasama si Senador Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate committee on accounts, na mayroong iregularidad.

“NO one saie there were irregularities,” ayon kay Escudero sa panayam.

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig si Cayetano sa Miyerkoles matapos matanggap ang briefer at iba pang mahahalagang dokumento mula sa Department of Pubic Works and Highways (DPWH) na nagpapatayo ng gusali.

Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Cayetano ang briefer mula sa DPWH kaya’t nakatakda nitong basahin at masusing pag-aralan ng dokumento bilang paghahanda sa pagdinig bukas, Miyerkoles.

“Nobody alleged irregularity. I’m not alleging any irregularity. I never alleged irregularity. I don’t know why people are sounding too defensive about this,” ayon kay Escudero.

“Ang sinabi ko lamang hindi ba, masyadong mataas at parang masama sa panlasa na ganito kalaking halaga ang kailangang gastusin para sa isang gusali ng pamahalaan,” Escudero added. “Wala akong sinabi na anomalya…kung payag kayo diyan eh di kayo kaya niyo sigurong sikmurain ‘yun. Ako hindi,” giit niya.

Nitong Hunyo, pinuna ni Escudero ang pagtatayo ng gusali na lomobo mula P8.9 bilyon tungo sa P23 bilyon.

Aniya, kanyang tungkuln at obligasyon na pag-aralan at humanap ng pamamaraan upang maibaba ang halaga ng gastusin.

Hindi pa nakikipag-usap umano si Senador Nancy Binay, dating chairman ng naturang komite, hinggil sa isyu. Pero, nakatakdang magsagawa ng press conference ngayon si Binay upang sagutin ang alegasyon.

“The current committee chair, Senator Alan Cayetano, called for the hearing to make the Department of Public Works and Highways (DPWH) answer their questions and submit certain documents as it was not being cooperative,” ayon kay Escudero.

Nilinaw ni Escudero na sinuspinden ang P10B phase ng Senado habang nakabinbin ang rebyu pero patuoy ang ibang gawain sa gusali, kahit naaantala sanhi ng bumagal na pagbili ng DPWH at hindi dahil sa pagdinig.

“May hindi pinagkakasunduan ang kontratista at DPWH kaugnay sa mga may depektong nagawa o ginawa o hindi tama o kulang. At dahil hindi rin siya nababayaran, nag slow down din siya,” ayon kay Escudero.

“Bago kami nagpahearing ay tuloy-tuloy naman ‘yung naunang na 8.9 billion. Nauna namang na-negotiate na nila yung P2.3 billion. Hindi naman namin inantala ‘yun,” paliwanag niya.

Gusto ni Escudero na matukoy ang pinal na halaga na kailangan sa kabuuan ng gusali kabilang ang maintenance nito. Ernie Reyes