Home NATIONWIDE Walang budget item sa ICI sa 2026 budget – Gatchalian

Walang budget item sa ICI sa 2026 budget – Gatchalian

297
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na walang specific item na magpopondo para sa Independent Commission for Infrastructure sa 2026 budget.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na kinukuha ng ICI ang badyet mula sa Office of the President.

“Ngayon, walang specific item para sa ICI. I believe kinukuha ito sa Office of the President. At sapat naman yung pondo ng Office of the President para pondohan sila. So wala siyang specific item,” pahayag ni Gatchalian.

“Tuloy lang kung ano yung ginagawa nila this year, ito tuloy lang for 2026,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Gatchalian na ang contingent fund ay maaring magamit sa oras na aprubahan ng Kongreso ang panukala na lilikha sa independent commission na papalit sa ICI.

Ayon naman kay outgoing ICI Commissioner Rogelio “Babes” Singson, ang ilan sa mga staff member ng ICI ay nananatiling “on volunteer basis” at hindi pa nakakatanggap ng sahod sa tatlong buwan nilang pagtatrabaho.

Dahil dito ay nanawagan siya sa Kongreso na magpasa ng mga panukala na magbibigay ng legal ammunition sa isang panel sa pag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control projects.

“We cannot rely on just one entity like ICI to solve the problem. It cannot be only one institution. We need several entities to help out, especially Congress,” ani Singson.

“We have done our part, we have deliberated with them, line by line… para yung inputs namin are taken up. So we’re saying it’s your turn guys to pass that bill. Otherwise, don’t expect too much.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here