Home NATIONWIDE Walang ebidensyang inalis sa impeachment case – Luistro

Walang ebidensyang inalis sa impeachment case – Luistro

2
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro  na walang anumang documentary evidence ang inalis o isinantabi sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ginawa ni Luistro ang paglilinaw matapos lumabas ang mga tanong kung mayroon nang mga dokumento, ebidensya o testigong tinanggal sa kaso habang isinasagawa ang pre-trial conference.

“As to striking off records, no, that is not supposed to happen during pre-trial conference,” ani Luistro sa isang press briefing sa Senado.

Ipinaliwanag nito na hindi saklaw ng pre-trial conference ang pagdedesisyon kung tatanggapin o hindi ang mga documentary exhibits bilang ebidensya.

“By striking off, you are addressing the admissibility of the documentary exhibits, and that is not allowed. That is not a proper subject of pre-trial conference,” giit nito.

Ayon kay Luistro, tatalakayin lamang ang usapin ng admissibility ng mga dokumentaryong ebidensya kapag pormal nang nagsimula ang impeachment trial.

Tumanggi rin ang lead prosecutor na magbigay ng mga detalye hinggil sa mga ebidensya, testigo at stipulation of facts na kasalukuyang pinag-uusapan ng magkabilang panig.

Sa kabila nito, inilarawan ni Luistro ang takbo ng pre-trial conference bilang masigla ngunit propesyonal, kung saan kapwa pursigido ang prosecution at defense panel na ipagtanggol ang kani-kanilang posisyon.

Sa kasalukuyan, tinatapos na ng prosecution at defense panels ang pagmamarka ng mga documentary exhibits bilang paghahanda sa ilalabas na pre-trial order ng Senate impeachment court.

Nakatakdang magsimula ang impeachment trial ni Duterte sa Hulyo 6. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here