Home METRO Walang Gutom 2027 Food Stamp Redemption ng DSWD gumulong sa Tondo

Walang Gutom 2027 Food Stamp Redemption ng DSWD gumulong sa Tondo

267
0

MANILA, Philippines- Aabot sa 1,350 benepisyaryo na mga pamilya ang nabigyan ng iba’t ibang suplay ng pagkain sa pamamagitan ng isinasagawa ngayong araw, Disyembre 5 sa “Walang Gutom 2027 Food Stamp Redemption” ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa dalawang barangay sa Tondo, Maynila.

Ang mga napiling benipisyaryo na nakakuha ng P6,000 halaga ng pagkain tulad ng bigas, itlog, isda, manok, baboy, iba’t ibang gulay at prutas ay dumaan sa beripikasyon.

Sa panayam kay Atty. Argel Cabatbat ng Magsasaka Outlet, binibili ng DSWD ang mga produkto sa mga lokal na magsasaka at dinadala ang suplay para sa nasabing programa ng pamahalaan.

Aniya, 2021 pa ng ikinasa ang pilot ng Magsasaka Outlet upang matulungan ang local farmers sa bansa gayundin para makatulong na rin sa mga nangangailangan na nasa laylayan.

Sinabi pa ni Atty. Cabatbat na magpapatuloy ang pag-supply nila ng agricultural prosucts para sa Food Stamp Program upang may makuhang masusustansyang pagkain.

Walang anumang de-lata, instant noodles at frozen products ang ibinebenta rito.

Una nang sinabi ng DSWD na layon ng Walang Gutom Food Stamp Program na matugunan ang kagutuman sa bansa at nasa 10 rehiyon na ito isinasagawa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here