Home NATIONWIDE Walang inaasahang sama ng panahon sa susunod na linggo – PAGASA

Walang inaasahang sama ng panahon sa susunod na linggo – PAGASA

MANILA, Philippines – Walang inaasahang sama ng panahon o low pressure area na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) o mabubuo sa bansa ngayong linggo.

“Walang mino-monitor na sama ng panahon sa PAR. For this week ay wala tayong inaasahan na papasok o mabubuo na bagyo,” ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina.

“Ngayong buwan ng Marso, hanggang isang bagyo ang maaring mabuo o pumasok sa par base sa pinakahuling datos,” dagdag pa niya.

Sa nalalabing bahagi ng bansa, ang northeast monsoon o amihan ay makakaapekto sa hilagang Luzon habang easterlies ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa.

Magdadala ng pag-ulan at thunderstorm ang dalawang weather system ngunit magiging maayos ang panahon sa kabuuan. RNT/JGC

Previous articleBong Go sa mga iskolar: Ituloy ang inyong pangarap
Next articleSuspendidong coach ng UE humihingi ng due process sa UAAP