Home NATIONWIDE Walang kanselasyon ng byahe ng barko sa nakaraang dalawang araw – PPA

Walang kanselasyon ng byahe ng barko sa nakaraang dalawang araw – PPA

235
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) na walang barko na nagkansela ng biyahe nitong nakaraang dalawang araw taliwas sa lumabas sa balita.

Ayon kay PPA general manager Jay Santiago, hindi nagkansela ng biyahe ang apat na barko sa halip ay napaaga pa ang kanilang biyahe.

Aniya, imbes na Enero 2 ang biyahe ng ating mga kababayan ay isinakay sila noong Disyembre 30 at Disyembre 31.

Ipinaliwanag din ni Santiago na may mga nag-overnight sa terminal sa araw ng Bagong Taon dahil may mga dumating nang mas maaga ng limang araw sa petsa ng kanilang biyahe.

“Tayo naman po eh nag ayos lamang po ng kanilang pag-iistay-an sa terminal habang sila’y naghihintay ng kanilang mismong schedule ng biyahe,” saad ni Santiago.

“May mga naiwan po sa north harbor terminal natin pati na rin po sa iba pang terminal natin na medyo busy kapag peak season gaya ng Port of Batangas at Port of Calapan sa Mindoro pero hindi ito na-stranded, kung hindi ay napaaga lamang po ang mga ito sa kanilang pagdating,” dagdag pa ni Santiago. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here