Home METRO Motorbanca lumubog sa Pangasinan

Motorbanca lumubog sa Pangasinan

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng inter-agency operation ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) upang tugunan ang maritime incident sa karagatan sakop ng Agno, Pangasinan.

Sa ulat ng PCG, nahampas ng malaking alon sa Rena Point, Agno, Pangasinan dahilan para lumubog ang MBCA WS.

Sakay ng motorbanca si Randy Arbollyenty, 30, at Mark Kimber, 37 na kapwa residente ng Barangay Boboy, Agno, Pangasinan.

Sa pagkakataong ito, may napadaang bulk carrier sa ilalim ng flag ng Egypt –ang MV Wadi Almalikat kaya narescue ang mga biktima.

Agad namang nagsagawa ng inter-agency operation ang PCG at Philippine Navy vessel, BRP Nestor Reinoso (PC 380) upang tulungan ang nasagip na mangingisda.

Dumating sa Sual Fish Port sa Sual, Pangasinan ang mga mangingisda na kapwa nasa maayos namang kondisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSC nag-isyu ng panuntunan sa Anti-Terrorism cases
Next articleWalang kanselasyon ng byahe ng barko sa nakaraang dalawang araw – PPA