Home METRO Walang krimeng naitala sa Panagbenga grand parades – Baguio police

Walang krimeng naitala sa Panagbenga grand parades – Baguio police

BAGUIO CITY – Walang naitalang krimen sa Panagbenga grand parades noong Pebrero 22 at 23, 2025, ayon sa Baguio City Police.

Sinabi ni Col. Ruel Tagel na naging mapayapa ang selebrasyon dahil sa maayos na plano, koordinasyon, at pakikipagtulungan sa mga lokal na ahensya at stakeholders.

Buwan ng paghahanda ang ginugol sa pagbuo ng security at traffic management plans, public information efforts, at pagdagdag ng personnel mula sa regional office.

“The success of the events was made possible with the cooperation of the public whose vigilance and adherence to security measures significantly contributed to the safety of all,” aniya pa. “The peaceful and orderly celebration of Panagbenga is a testament of our collective efforts in keeping Baguio safe.”

Pinuri rin ni Tagel ang kooperasyon at pagiging mapagmatyag ng publiko, na nagbigay-daan sa ligtas at maayos na pagdiriwang ng Panagbenga. RNT