Home NATIONWIDE P170M lotto jackpots mailap sa mananaya

P170M lotto jackpots mailap sa mananaya

MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Pebrero 25, 2025.

Walang nakahula sa winning combination na 42-10-37-03-15-43 para sa Ultra Lotto 6/58 jackpot na P107,895,063.20.

Hindi rin nakuha ang P15,840,000 na premyo ng Super Lotto 6/49 matapos walang tumama sa numerong 15-03-48-49-41-31.

Nanatiling hindi rin na-claim ang jackpot na P46,479,400.80 ng Lotto 6/42 dahil walang nakakuha sa kombinasyong 34-22-29-35-31-17. RNT