Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, pag-ulan mararanasan sa buong bansa

Maulap na kalangitan, pag-ulan mararanasan sa buong bansa

MANILA, Philippines – Inaasahan ang maulap na kalangitan at pag-ulan sa buong Pilipinas ngayong Miyerkules dahil sa tatlong sistema ng panahon, ayon sa PAGASA.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan dulot ng Amihan. Magkakaroon din ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, at Quezon.

Ang Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga ay makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line. Ang natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao ay makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies.

Ayon sa PAGASA, walang binabantayang low-pressure area o namumuong bagyo hanggang alas-2 ng umaga ng Pebrero 26. RNT