Home METRO Walang lokal na pondo para sa flood control sa Central Visayas sa...

Walang lokal na pondo para sa flood control sa Central Visayas sa 2026 — DPWH

209
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na walang inilaan na pondo para sa mga locally funded flood control projects sa Central Visayas sa ilalim ng 2026 national budget.

Sa ginanap na “Usapang Budget Natin” forum sa Cebu City, sinabi ni DPWH Undersecretary Ador Canlas na walang nakalaang lokal na pondo para sa flood mitigation structures ngayong taon.

“Again for 2026, wala po tayong local na fund for flood control,” ani Canlas.

Dahil dito, walang bagong locally endorsed flood control projects ang ipatutupad sa rehiyon gamit ang direktang national appropriations para sa 2026.

Gayunman, nilinaw ng DPWH na hindi tuluyang hihinto ang flood mitigation efforts. May nakalaang P4.7 bilyon ang pambansang pamahalaan bilang counterpart funding para sa mga foreign-assisted flood control initiatives na bahagi ng mas malalaking infrastructure programs.

Maaari ring magamit ang mga natitirang pondo mula 2025 para sa implementasyon at maintenance ng flood control projects, alinsunod sa umiiral na regulasyon.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng reporma sa infrastructure spending sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong bigyang-priyoridad ang malalaking flood control systems na nakabatay sa komprehensibong master plans at mga proyektong may tulong mula sa ibang bansa.

Sa mga nakaraang taon, may mga mambabatas at watchdog groups na nagtaas ng isyu tungkol sa pagiging epektibo at transparency ng ilang maliliit na flood control projects. Ayon sa mga kritiko, ang magkakahiwalay at hindi planadong proyekto ay nagreresulta sa limitadong epekto at posibleng inefficiencies.

Sa ilalim ng bagong polisiya, inaasahang mas magiging sistematiko at sustainable ang flood mitigation efforts, bagaman maaaring umasa muna ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon sa kasalukuyang proyekto at natitirang pondo upang matugunan ang agarang problema sa pagbaha. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here