Home METRO Higit 13,000 pulis idedeploy sa NCR sa EDSA Commemoration, Trillion Peso March

Higit 13,000 pulis idedeploy sa NCR sa EDSA Commemoration, Trillion Peso March

180
0

MANILA, Philippines – Magpapakalat ng 13,448 tauhan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila bilang paghahanda sa paggunita ng EDSA People Power at sa ikatlong “Trillion Peso March” sa Pebrero 25.

Ayon sa progresibong koalisyon na Tindig Pilipinas, inaasahang mahigit 30,000 katao ang lalahok sa naturang protesta na kasabay ng paggunita ng EDSA People Power Revolution.

Ilalagay ang mga pulis sa mga itinalagang convergence areas, pangunahing kalsada, transport hubs, at iba pang mahahalagang lugar upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maayos na daloy ng tao.

Upang palakasin ang puwersa, tatanggap ang NCRPO ng tig-1,500 augmentation personnel mula sa Police Regional Office 3 at Police Regional Office 4A.

Imomobilisa rin ang Civil Disturbance Management units, mobile patrol teams, intelligence operatives, at force multipliers upang mapataas ang police visibility at matiyak ang operational flexibility.

Tiniyak ni NCRPO chief Anthony Aberin na igagalang ng pulisya ang karapatan sa mapayapang pagtitipon habang pinananatili ang kaayusan.

“The PNP is not your enemy. Hindi kami kalaban ng mamamayan. Nandito kami para tiyakin na ang bawat aktibidad ay magiging maayos, ligtas, at mapayapa,” ani Aberin. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here