Home NATIONWIDE Walang long weekend sa Nov. 30 holiday

Walang long weekend sa Nov. 30 holiday

MANILA, Philippines – ”No movement of the holiday.”

Ito ang tugon ng Office of the Executive Secretary ukol sa November 30, 2024 holiday, ngayong Miyerkules.

Tinanong kasi ng mga mamamahayag ng Palasyo kung ang Nobyembre 29, 2024 ay idedeklara bilang holiday dahil ang Nobyembre 30 o Bonifacio Day ay tumapat sa isang Sabado.

Noong nakaraang taon, inilabas ng MalacaƱang ang listahan ng regular at special non-working holidays para sa taong 2024. Ang listahan ng mga regular holiday ay ibinigay sa ilalim ng Proclamation 368 na may petsang Oktubre 11, 2023. RNT